Monday, May 11, 2015




Sumisikat na ang araw at pumapasok sa aking bintana, 
tumatama sa aking mukha na tila ba mga kamay ng diyos na hinahaplos ang aking mga pisngi,  
Naalala ko tuloy ang haplos nya sa aking balat ng malalambot niyang daliri at pawisang mga kamay, 
mga simpleng bagay, pero nararamdaman ko ang pagmamahal, ang pag-ibig, ang init, ang lalim, ang ligaya na dulot nito, haplos na tila tumatagos hanggang buto, hanggang kaluluwa, sayang at alaala na lang ngayon, parang sikat din ng araw mainit pero panandaliian lang at lilipas din, pero di gaya ng araw na sa kinabukasan ay muling sisiskat, siya ay mawawala at di na muling makikita.

No comments:

Post a Comment

Contributors

Followers