Ang mga munting bagay na iyong ibinigay
Ay lagi kong hawak sa aking mga kamay
Sa pamamagitan nila ikaw ay nabubuhay
Wala nang mas mahalaga sa ala-alang taglay
Ginuguhit ng ulap ang maamo mong mukha
Sumasabay sa hangin ang iyong mga tawa
Ang pumapatak na ulan parang agos ng luha
Luha ng pagmamahal na kumakatok sa
bintana
Ang naiwang ala-ala ay lagi kong nakikita
Sa lahat ng bagay na aking ginagawa
Damdaming nakabitin na naghihintay pa rin
Laging nakaabang sa iyong pagdating
Kung nasaan ka man ay nais kong ipaalam
Na ang pag-mahal sa iyo ay akin ng
natutunan
Ang iyong kaligtasan ay lagi kong
panambitan
At iyong pagbalik ay lagi kong inaasam.
mike pillora jr./asin /himig ng lahi 1983
mike pillora jr./asin /himig ng lahi 1983
No comments:
Post a Comment