Thursday, May 21, 2015

Walang Hangang Paalam



Mahabang panahon na pala ang lumipas, 
hindi ko na namalayan ang mga pagbabagong naganap,
ang dating nariyan ay lumisan na at pinadpad sa kung saang sulok ng isipan,
ang dating matibay ay ginupo na rin ng panahon at sumuko sa mga pagsubok ng buhay, 
naririnig ko pa ang mga hikbi natin habang lumuluha sa takot na tayo ay magkalayo,
malaki na pala ang pinagbago, handa na tayong harapin ang araw ng paghihiwalay,
alala na lang ang lahat ng ikaw at ako sa puso nating nagmahal ng tunay,,, 




No comments:

Post a Comment

Contributors

Followers